Arestado ng mga tauhan ng 104th Maneuver Company, RMFB1 ang isang wanted person sa pagpapatupad ng warrant of arrest sa BJMP Compound sa Barangay Anonas, Urdaneta City, Pangasinan.
Isinagawa ang operasyon sa naturang lugar kung saan naaresto ang indibidwal na nahaharap sa kaso sa paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972, na inamyendahan ng Republic Act No. 10883.
Matapos ang pag-aresto, dinala at inilagay sa kustodiya ng BJMP Urdaneta City ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ayon sa 104th Maneuver Company, bahagi ang operasyon ng kanilang pagpapatupad sa batas at pagtupad sa mandato nitong pangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








