Monday, September 14, 2026

Pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino, unahing tugunan ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na tugunan na ang araw-araw na paghihirap ng mga Pilipino.

Ang apelang ito ng senador ay kasunod ng pagbabalik nila sa bansa ng kapatid na si Senator Pia Cayetano mula sa Singapore.

Tinukoy ni Cayetano ang mga daily struggles ng publiko na nag-ugat sa economic, spiritual and political health, public health at kondisyon ng demokrasya na kinakailangang bigyan ng atensyon at sama-samang pag-aksyon.

Iginiit ni Cayetano na ang mga hamong kinakaharap ng bansa ay hindi mareresolba sa pamamagitan ng debate na ang sentro lang ay kung tama ba ang administrasyon o ang oposisyon.

Hinikayat ng senador ang pamahalaan ng pagbabago at kailangang mabago rin ang buong bansa ngunit nagiging mahirap ito dahil walang pagkakasundo kung paano o ano ang unang gagawin.

Tinukoy ng senador na nananatiling mahirap ang maraming pamilya sa bansa sabay ng panawagan na tutukan na ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan.

Facebook Comments