51 BARANGAY SA LUNGSOD NG CAUAYAN, MAAPEKTUHAN NG SCHEDULED POWER INTERRUPTION

Cauayan City – Maapektuhan ng isang scheduled power interruption ang 51 barangay sa lungsod ng Cauayan sa darating na araw ng Miyerkules, ika-labing dalawa ng Marso mula 6am hanggang 6pm.

Sa inilabas na anunsyo ng National Grid Corporation (NGCP) apektado rito ang operasyon ng Isabela Electric Cooperative 1, kung saan kabilang sa mga affected barangays ay ang Brgy. Alicaocao, Baringin Norte, Bugallon, Cabugao, Carabatan Grande, Cassap Fuera, Dabburab, Disimuray, District 3, Gagabutan, Andarayan, Baringin Sur, Buyon, Carabatan Bacareño, Carabatan Punta, Catalina, De Vera, parts of District 1, Duminit, Gappal, Baculod, Buena Suerte, Cabaruan, Carabatan Chica, Casalatan, Culalabat, Dianao, District 2, Faustino, Labinab, Maligaya, San Fermin, San Francisco, Sta. Luciana, Sitio Buduan, Turayong, Linglingay, Manaoag, Rizal, San Luis, Sta. Maria, Sitio Manalpaac, Union, Mabantad, Nagcampegan, Rogus, San Pablo, Sinippil, Tagaran, Villa Luna, at Brgy. Guayabal.

Apektado rin sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang malalaking establishment sa lungsod.

Maliban sa lungsod ng Cauayan, apektado rin ang buong bayan ng Reina Mercedes at Luna, ilang bahagi ng Angadanan, at bayan ng Cabatuan.

Ayon sa NGCP, ito ay dahil sa isasagawa nilang maintenance kung saan posibleng bumalik ang suplay ng kuryente ng mas maaga sa oras na inilabas o sa oras na matapos ang isasagawang pagsasaayos.

Facebook Comments