
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakatawid na ng Strait of Hormuz noong Sabado, April 25, 2026 ang dalawa pang barko na may sakay na 36 Filipino seafarers.
Partikular ang mga barkong Omicron Nikos at Nord na kabilang sa naipit sa Persian Gulf dahil sa giyera sa Middle East.
Sa ngayon, 1,200 Pinoy seafarers na ang nakatawid sa Strait of Hormuz.
Tiniyak naman ng DMW na patuloy nilang mino-monitor ang galaw ng mga barko sa Gitnang Silangan at patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa manning agencies at shipowners para matiyak ang kaligtasan ng Filipino seafarers.
Habang patuloy naman ang kanilang komunikasyon sa mga apektadong seafarers at kanilang pamilya.
Facebook Comments










