
Cauayan City – Naka mit ng Ilagan Isabela Cowboys ang kanilang unang panalo matapos ang kanilang debut game kontra sa Sarangani Grippers.
Matatandaang naganap ang pagbubukas ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong ika-8 ng Marso sa The Capital Arena, Ilagan City, Isabela.
Kasabay ng pagsisimula ng 2025 Season ng MPBL, ipinakilala rin ang Ilagan Isabela Cowboys na siyang pinakabagong team sa liga na binubuo ng 22 players.
Sa score na 74-54, nagwagi ang Ilagan Isabela Cowboys kung saan itinanghal si Arthur Dela Cruz bilang player of the game matapos makapuntos ng 16 at makapagtala ng 11 rebounds.
Samantala, nagpasalamat naman si MPBL Commissioner Kenneth Duremdes sa mainit na pagtanggap ng lungsod ng Ilagan at ng buong lalawigan ng Isabela sa MPBL, at tiniyak nito na marami pang home games ang isasagawa sa The Capital Arena.