TAX ASSISTANCE CENTER, BINUKSAN PARA SA MGA TAXPAYER SA SAN FABIAN

Binuksan sa San Fabian ang Tax Assistance Center ng Bureau of Internal Revenue upang mailapit sa mga taxpayers ang mga serbisyo at transaksyong pang buwis, na magtatagal hanggang Mayo 15.

Ayon sa lokal na Pamahalaan, layunin ng inisyatibo na mapadali ang proseso ng pagbubuwis, lalo na sa paghahain ng Annual Income Tax Return para sa Tax Year 2025.

Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob ang assistance sa filling ng Annual Income Tax Return, Information Returns at eAFS, pagkuha ng Taxpayer Identification Number (TIN), business registration, pag-update ng registration, at paggamit ng Online Registration and Update System (ORUS).

Ayon sa tanggapan, inaasahang makatutulong ang hakbang na ito para mahikayat ang mga taxpayers na sumunod sa itinakda ng batas at magbayad sa tamang oras.

Iginiit din ang kahalagahan ng pagbabayad buwis bilang malaking bahagi sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng pamahalaan para sa kaunlaran ng komunidad.

Facebook Comments