TB CARAVAN, AARANGKADA SA LUNGSOD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng TB Caravan ang City Health Office Santiago sa Lungsod ng Santiago.

Ang naturang caravan ay may libreng chest x-ray para sa mga Santiagueños na may sintomas ng sakit na TB, nakasalamuha ng mga pasyenteng may sakit na TB, mga high risk vulnerable groups katulad ng mga health workers, senior citizens, diabetics, smokers, hypertensive at mga indigents.

Ayon sa City Health Office, kung sa iyong palagay ay mayroon kang sintomas ng sakit na TB ay magtungo lamang sa mga schedule sa barangay.

Magaganap naman ang TB caravan sa ika-labing walo hanggang ika-dalawamput isa ng Marso sa mga sumusunod na health center na kinabibilangan ng Brgy. Sinsayon, Plaridel, Malvar, Rizal, Nagassican, Baluarte, Rosario, at Cabulay.

Facebook Comments