SEN. RISA HONTIVEROS, PINANGUNAHAN ANG RUN FOR S.A.F.E.; ILANG ISYUNG PULITIKAL, SINAGOT

Pinangunahan ni Senadora Risa Hontiveros ang isinagawang Run for S.A.F.E. 2026sa Dagupan City na layong palakasin ang kamalayan sa mental health at seguridad ng komunidad.

Kasunod ng fun run, nagsagawa ng press conference ang senadora kasama sina Dr. Paula Paz Sydiongco, Dagupan City Mayor Belen Fernandez at iba pang stakeholders, kung saan iginiit nila ang kahalagahan ng mas pinalakas na mental health programs para sa mga Dagupeño.

Sa panayam, diretsahan ding sinagot ni Hontiveros ang ibat ibang mainit na usaping politikal sa bansa.

Kaugnay sa mga napaslang na estudyante ng University of the Philippines, nanawagan ang senadora ng masusing imbestigasyon.

Tinanong din ang senadora hinggil sa pinakahuling hakbang ng International Criminal Court laban kay Rodrigo Duterte.

Samantala, sinabi rin ni Hontiveros na handa ang Senado sakaling tuluyang ma-transmit ang impeachment complaint laban kay Sara Duterte.

Pagdating naman sa lumulutang na posibilidad ng pagtakbo niya bilang pangulo sa 2028, nanatiling bukas ngunit maingat ang senadora.

Patuloy namang isinusulong ng senadora ang mga programang may kaugnayan sa mental health, kaligtasan, at karapatan ng mamamayan sa gitna ng ibat ibang hamon sa bansa.

Facebook Comments