545 MAG-AARAL NG DONA VICTORIA Q. ZARATE ELEMENTARY SCHOOL, BINUSOG SA FEEDING PROGRAM NG IFM DAGUPAN

Matagumpay na isinagawa ang Maria Corrina Canoy Feeding Program ng 104.7 IFM Dagupan sa Doña Victoria Q. Zarate Elementary School kung saan 545 na mag-aaral ang binusog at lumahok.

Isa sa mga tampok ng programa ang pamamahagi ng mainit at masustansyang lugaw at pandesal na kanilang masayang tinanggap. Sa bawat subo ay kapansin-pansin ang tuwa at sigla ng mga bata, patunay na natupad ang layunin ng aktibidad.

Bukod sa pagkain, tumanggap din ang mga bata ng hygiene kits mula sa Shield Bath Soap at Unique Toothpaste, fortified rice, at school supplies.

Ang naturang feeding program ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng RMN Foundation, ACS Manufacturing Corporation, RMN Networks, Marigold Bookstore, at ng 104.7 IFM Dagupan bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya para sa serbisyong publiko at pagtulong sa mga nangangailangan bilang pasasalamat sa tiwala at suporta sa mga tagapakinig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments