Pinagpulungan na ng Land Transportation Office at Department of Public Works and Highways sa Region 1 ang koordinasyon sa pagpapatupad ng RA 8794 o ang Anti-Truck Overloading Law sa rehiyon.
Ayon sa tanggapan, mandato ng batas na maiwasan ang pinsala sa mga kakalsadahan bunsod ng mga overloaded na sasakyan kasabay ng pagsulong ng ligtas na pagbyahe.
Bago ang implementasyon, may mga personnel mula sa DPWH ang sasailalim sa LTO Deputation Training at ipapakalat din ang ilang LTO enforcers sa permanent weighbridge at mobile truck weighing stations.
Sa ilalim nito, inaasahan na mapapangalagaan ang hangarin na manatiling ligtas ang mga motorista sa pagtitiyak na walang pinsala ang mga kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









