Ito ang opinyon ng mga student leader at estudyante sa isinagawang Barkada Kontra Droga (BKD) Orientation noong Biyernes, Nobyembre 20, sa Dagupan City National High School, sa pangunguna ng DOH-DTRC Dagupan at Dangerous Drugs Board.
Ayon sa student leader na si Zhaira, mahalaga ang mga ganitong programa para maintindihan ng kabataan ang epekto ng ilegal na droga.
Samantala, sinabi ni Jericho na magagamit ang mga natutunan sa orientation sa pagbuo ng mga programa sa paaralan na maghihikayat sa kabataan na umiwas sa ilegal na droga.
Kabilang sa tinalakay ang Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy, mga epekto ng ilegal na droga, at mga probisyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay DOH-DTRC Dagupan Chief Administrative Officer Raymund Basbas, isinagawa ang ang BKD Orientation bilang bahagi ng bilang pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week, na inoobserbahan tuwing ikatlong linggo ng Nobyembre.
Kinilala rin sa programa ang mga nanalo sa BKD Short Film Contest, kung saan nanguna ang Federico M. Ceralde Integrared School. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








