
Inihayag ng grupong Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) na mahalaga ang kritisismo sa isang malusog na demokrasya ng bansa dahil nakakatulong ito sa pagpapabuti ng mga institusyon.
Pero paliwanag ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, hindi namanan nakakatulong sa publiko kapag nawawala ang tamang balanse.
Aniya, nagiging sanhi pa ito ng takot sa halip na malinaw na pag-unawa kung saan kaniyang sinabi na ang katotohanan ang dapat manaig sa usapin ng kapayapaan at kaayusan.
Isa sa inihalimbawa ni Goitia ang social media post ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III hinggil sa insidente sa jeep sa Las Piñas kung saan sinabi nito na hindi sapat ang paliwanag at dapat palaging kumilos ang kapulisan.
Bagama’t may punto tungkol sa pananagutan hindi ito dapat ibatay sa iisang insidente lamang, lalo na’t patuloy kumikilos ang Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni PGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Aniya, sa pag-upo pa lamang ni Nartatez, mas naging malakas ang presensya ng pulisya, isinasagawa ang tuloy-tuloy na operasyon laban sa krimen, at pinaiigting ang ugnayan sa mga lokal na pamahalaan kaya patunay ito na epektibo ang inilatag na sistema.










