63-anyos na babae, timbog sa buy-bust operation sa Quezon City

61

Arestado ang isang 63-anyos na babae matapos mahulihan ng shabu sa buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo ang nahuli na si Leonida Flores, residenteng Barangay Pansol.

Hinuli si Flores matapos bentahan ng shabu ang isang poseur buyer na tauhan ng Station Drug Enforcement Unit Anonas Police Station.

Isinagawa ang buy-bust sa Kaingin, Block 2B, Barangay Pansol.

Nakuha sa suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P13,600, isang cellular phone at buy-bust money.

Facebook Comments