Friday, June 26, 2026

Gobyerno, kailangang magdagdag ng gastos para mapasigla ang ekonomiya — Malacañang

Inamin ng Malacañang na kailangang dagdagan ng pamahalaan ang paggastos, lalo na sa mga proyektong pang-imprastruktura, upang mapalakas muli ang takbo ng ekonomiya.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, batay sa pagsusuri ng economic team, hindi lang epekto ng global oil crisis ang naging dahilan ng paghina ng economic growth ng bansa.

Sinabi ni Castro na ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim de Leon, naging mabagal ang paggastos ng pamahalaan, partikular sa infrastructure projects, dahil sa mas mahigpit na pagsusuri bago maglabas ng pondo.

Aniya, bunga ito ng isyu sa mga maanomalyang flood control projects kaya naging mas maingat ang gobyerno sa pag-apruba ng mga gastusin.

Dahil dito, nabawasan ang government spending, na isa sa pangunahing nagtutulak sa paglago ng ekonomiya.

Facebook Comments