
Tinutunton na ng National Bureau of Inviestigation (NBI) katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan ang isang container truck na laman ng mga smuggled na sigarilyo.
Sa press conference na isinagawa sa Pier 18 kung saan ipinakita ang 23 iba pa na container van na naglalaman ng mga iligal na kargamento, sinabi ni NBI Dir. Atty. Melvin Matibag na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon hinggil sa insidente.
Aniya, isa-isa na nilang kinukuha ang lahat ng impormasyon kung paano nakalabas ang truck na may dalang smuggled na sigarilyo tulad ng kuha ng CCTV, mga dokumento at iba pa mula sa pinanggalingan nito pribading pantapan.
Ayon naman kay Bureau of Customs (BOC) Deputy Chief of Staff Atty. Chris Noel Bendijo, bukod sa mga container vans, may mga naiwan din na smuggled na sigarilyo sa isang barge na sinasakya nito.
Ang nasabing smuggled na sigarilyo ay nanggaling sa China at United Arab Emirates na ibinagsak sa Cebu saka ilalabas sana sa merkado.
Tinatayang nasa higit P1.7 bilyon pesos ang halaga ng nasabat na smuggled sigarilyo na umaabot sa 29,900 na kahon mula sa 23 container vans.










