Thursday, June 25, 2026

Sen. Chiz Escudero, tahasang itinanggi ang maleta issue laban sa kanya ng 18 ex-bodyguards ni Zaldy Co

Screenshot from Chiz Wiz Channel/YouTube

Direktang itinanggi ni Senator Chiz Escudero ang alegasyon ng 18 mga dating bodyguards ni dating Congressman Elizaldy Co na kabilang siya sa mga nahatiran ng male-maletang kickback sa flood control projects.

Sinabi ni Escudero sa kaniyang podcast na walang katotohanan ang mga paratang dahil matagal silang magkagalit ni Co.

Maliban pa rito, mali rin ang kaniyang address na sinasabi ng mga bodyguards na pinaghatiran ng mga maleta.

Kinwestyon din ni Escudero na kung totoo ang mga akusasyon sa kanya sa pagtanggap ng maleta ay bakit hindi siya sampahan ng kaso ng mga nag-aakusa.

Naniniwala ang senador na ang pagdawit sa kanya ay bahagi ng tapunan ng putik sa politika dahil ginawa ang alegasyon matapos niyang sumipot noong June 3 dahilan kaya nakapagdaos ng sesyon bago ang sine die adjournment at napatalsik bilang Senate President si Senator Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments