Friday, June 26, 2026

ADMU at Smart Communications, walang alam sa isinagawang aktibidad ng mga basketball players sa Aurora —SILG Remulla

Walang alam ang Ateneo de Manila University at Smart Communications sa mga isinagawang aktibidad ng mga basketball players sa Aurora noong June 8 na nagresulta sa pagkakalunod ng dalawang mga manlalaro nito.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, lumabas sa lahat ng mga testimonya na hindi ito alam ng nasabing eskwelahan at nalaman lamang nila ito ng mangyari ang insidente.

Dagdag pa nya, gayundin ang Smart Communications na ang role lamang ang bilang sponsor ng nasabing basketball team.

Samantala, lumabas naman sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang isinagawang team building ay hindi related sa basketball training kundi para malaman kung sino ang makakapasok sa nasabing grupo.

Nabatid na sa 20 umattend sa nasabing activity at 17 lamang ang pwedeng makapasok rito.

Sa ngayon inirekomenda na ng PNP-CIDG ang pagsasampa ng reklamong Anti-hazing Act kay dating Coach Baldwin at sa 10 iba pa mga mga coaching staffs sa Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments