Thursday, June 25, 2026

Pagdaragdag ng criminal liability sa mga may-ari ng baril, irerekomenda ni SILG Remulla sa Kongreso

Irerekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso na magdagdag ng criminal liability sa mga may-ari ng baril na ginamit ng ibang indibidwal para makagawa ng krimen.
 
Ito ay kasunod ng insidente ng pamamaril ng mga menor de edad sa isang paaralan sa Tacloban City na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong estudyante at pagkasugat ng 20 iba pa.
 
Ayon kay Remulla, napakababa ng pananagutan ng may-ari ng isang baril, dahil kung ito ay nasa pribadong pagmamay-ari, madalas na civil case lamang ang naisasampa.
 
Naniniwala siya na may kaakibat na responsibilidad ang lahat ng may-ari ng baril, at dapat itong itago nang ligtas at naka-lock at key.
 
Samantala, nanawagan din si Remulla sa mga gun ownership advocates na tumulong sa pagbuo ng panukalang batas na magtatakda ng mas malinaw na pananagutan ng mga gun owners sa kanilang mga armas.

Facebook Comments