7 bahay nasira sa pananalasa ng buhawi sa bayan ng Tupi, South Cotabato

*Cotabato, Philippines – *Nasa pitong bahay ang nasira sa pananalasa ng buhawi sa bayan ng Tupi, South Cotabato pasado alas dos kahapon ng hapon.
Sanasabing bilang 2 mga bahay ang totally damage at lima naman ang partially damage.
Aabot din sa mahigit P300, 000.00 ang danyos sa mga nahulog nailaw sa mga street lights sa Brgy. Poblacion ng nabanggit na bayan.
Marami ding mga malalaking puno ang nabuwal sa national highway at ilang linya ng kuryente ang naputol.
Hanggang kaninang umaga ang isinagawang clearing operation ng MDRRMC BDRRMC at iba pang tanggapan ng local na pamahalaan ngTupis apektadong lugar.
Sa ngayon patuloy ang isinasagawang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis ng MDRRMO Tupi upang makapagbigay na rin ngt ulong sa mga apektado ng nasabing kalamidad.

Facebook Comments