Tinutukan ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang kaligtasan ng mga bibisita sa mga sementeryo ngayong Undas 2026, partikular ang pag-iwas sa sunog, pagkawala ng mga bata at pagnanakaw.
Pinayuhan ang mga pamilya na bantayang mabuti ang mga bata habang nasa sementeryo at huwag iwang nakasindi ang mga kandila upang maiwasan ang sunog.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita, hinihikayat ang publiko na maagang magtungo sa mga puntod at magbaon ng tubig, payong at pamaypay.
Mahalaga rin umani ang pagdadala ng first-aid kit at pagkakaroon ng sapat na load sa cellphone para sa mga emergency.
Bago umalis ng bahay, pinapayuhan ang mga bibisita na tiyaking nakakandado ang mga pinto at bintana.
Kaugnay nito, nagsagawa ng trick-or-treat ang mga kabataan kasama ang kanilang mga magulang sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Tampok sa aktibidad ang temang The Little Mermaid, kung saan tumanggap ng mga kendi ang mga batang may dalang Halloween bucket.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng pagdiriwang ng National Children’s Month at Spooktacular Halloween 2026 na pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











