Nag-aalok ng libreng serbisyong medikal ang mga doktor, nars, at boluntaryo mula sa South Korea para sa mga residente ng Dagupan City sa pamamagitan ng Life of the Children and Incheon Medical Center Medical Camp 2026.
Nagsimula ang dalawang-araw na medical mission mula Oktubre 28 hanggang Oktubre 29 sa City Health Office ng Dagupan.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ang konsultasyon para sa mga bata, pangkalahatang medical check-up, serbisyong dental, at libreng pagpapagupit ng buhok.
Pinangunahan ng organisasyong Life of the Children at Incheon Medical Center ng South Korea ang medical mission, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City.
Nakatulong sa pagsasakatuparan ng aktibidad si Chief Reverend Kim Yeong Sam, kasama ang mga kawani ng City Health Office sa pangunguna ni City Health Officer 1 Dr. Jam Caldona at City Health Administrator Tina Cayabyab.
Bukod sa mga serbisyong medikal, namamahagi rin ng mga libreng pagkain at inumin, bitamina, at mga pangunahing pangkalinisan tulad ng sabon, toothpaste, at sipilyo.
Layunin ng naturang medical mission na mapalawak ang access ng mga residente sa serbisyong pangkalusugan at mapatatag ang ugnayan ng South Korea at ng komunidad ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








