Monday, November 2, 2026

Tradition ng mga katutubo ngayong Undas, hindi dapat tratuhing tourist attraction

Hindi dapat tratuhing “tourist attraction” ng mga tour operators ang tradition ng mga katutubo ngayong Undas tulad ng “Panag-Apoy” na isang Sagada tradition ng pagbibigay parangal sa mga pumanaw kung saan nagsisindi sila ng pine fatwood.

Paalala ito ngayong Undas ni House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples Vice Chairperson at Solid North Party-list Rep. Ching Bernos sa lahat ng mga tour operators.

Ayon kay Bernos, nakakasakit sa mga katutubo ang ginagawa ng ilang tour operators na isinasama sa tour packages ang panonood ng Panag-Apoy.

Giit ni Bernos, dapat irespeto ng mga namamahala sa pamamasyal ng mga turista ang tradisyon ng ating mga katutubo at huwag itong tingnan bilang pagkakataon para sa turismo.

Bunsod nito ay iginiit ni Bernos sa mga kinauukulan na repasuhin ang protocols para sa turismo at makipag-ugnayan sa mga indigenous peoples at sa kanilang mga komunidad para sa mga hakbang o aktibidad na maaring makaapekto sa kanilang hanay.

Facebook Comments