Wednesday, May 6, 2026

DALAWA, TIMBOG SA ILEGAL NA BOOKIES SA BINALONAN

Nasakote ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa iligal na bookies sa Binalonan, Pangasinan bandang alas-5:40 ng hapon noong Mayo 5, 2026.

Kinilala ang mga suspek na isang 49-anyos na lalaki mula Asingan at isang 63-anyos na biyuda na residente naman ng Binalonan, kapwa umano nagsisilbing “kabo” o operator ng bookies.

Ayon sa ulat, rumesponde ang mga pulis matapos ireport ang isang iligal na sugalan sa lugar.

Nauwi ito sa pagkakaaresto ng dalawang suspek at pagkakumpiska ng mga ebidensya kabilang ang sampung piraso ng papelitos, dalawang laminated na raffle cards na may kalakip na barangay ID, dalawang bolpen at halagang ₱690 na pinaniniwalaang taya sa nasabing iligal na aktibidad.

Dinala ang mga naaresto at nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa wastong disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments