Tuesday, May 5, 2026

COC filing para sa BARMM Parliamentary Elections, umarangkada na

Pormal nang binuksan ngayong araw ang filing ng certificates of candidacy para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ang COC filing para sa mga kinatawan ng parliamentary districts na tatagal hanggang sa Huwebes, May 7.

Samantala, kasabay nito ang deadline sa pagsusumite ng consolidated list of nominees ng mga coalition at ang paghahain ng mga official logo na gagamitin ng mga Regional Parliamentary Political Part.

Kabilang din dito ang mga larawan ng mga kandidato para sa district representatives at first nominees ng sectoral representatives.

Sa Biyernes, May 8 naman magsisimula ang paghahain ng petisyon para sa accreditation ng mga regional parliamentary political parties.

Ayon sa poll body, sa pamamagitan nito tutukuyin ang dominant majority, dominant minority, at iba pang pangunahing regional political parties sa BARMM.

Sa September 14 idaraos ang BARMM Parliamentary Elections na ilang beses nang ipinagpaliban sa mga nakalipas na taon.

Facebook Comments