8 tao, nasagip ng PCG sa Mindoro

 

Ligtas na nakabalik sa pangpang ang walong tao kabilang ang apat na dayuhan na sakay ng nagkaaberya na motor banca sa Occidental Mindoro.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), humingi umano ng saklolo ang kapitan ng bangka dahil sa pumalyang makina ng bangkang kanilang sinasakyan

Kaya naman nagsagawa agad ng search and rescue operation ang Coast Guard at hinila pabalik sa dalampasigan ang bangka.


Sa ngayon, maayos naman na ang kondisyon ng mga sakay ng motor banca at wala namang nasaktan sa mga sakay nito kabilang ang 3 turista at dive master na nga Korean national.

Facebook Comments