
Ibinabala ni House Assistant Minority Leader at Kabataan Party-list Representative Renee Co ang panganib na hatid ng pangakong dagdag-pondo ng Estados Unidos para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sabi ni Co, ang pangakong ito ni US Department of War Secretary Pete Hegseth ay tiyak magdadala sa Pilipinas patungo sa mga giyera.
Paliwanag ni Co, napakatindi na ng panggigiyera ng US sa iba’t ibang bahagi ng mundo at ngayon ay unti-unti na nilang dinadamay ang Pilipinas.
Naniniwala si Co, na ang lahat ng ito, kasama ang Pax Silica initiative, ay magdudulot lang ng perwisyo sa kabataan at buong mamamayang Pilipino.
Grace Mariano, RMN Manila
Facebook Comments










