9 COVID-19 Patients, Nakarekober sa Sakit

41

Cauayan City, Isabela- Idineklara nang ‘fully recovered’ ang siyam (9) na COVID-19 positive patients sa Lungsod ng Cauayan.

Sa tala ng Department if Health (DOH) Region 2, ang mga gumaling ay sina CV2535, CV2536, CV2537, CV2538 na pawang mga residente ng barangay District 1; CV2539, CV2540, at CV2541 ng brgy Baringin Sur; CV2542 at CV2544 na kapwa residente naman ng brgy San Fermin.


Sila ay hindi na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at natapos na rin ang kanilang mandatory quarantine.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang 52 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments