Umabot sa tinatayang ₱3.28 milyon halaga ng mga tanim na marijuana ang winasak ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa isinagawang tatlong araw na pinaigting na operasyon kontra iligal na droga sa bayan ng Sugpon, Ilocos Sur.
Natuklasan at sinira ng mga operatiba ang kabuuang 16,400 ganap nang halamang marijuana sa tatlong magkakahiwalay na plantasyon.
Sa unang operasyon, nasalakay ng awtoridad ang isang 550-square meter na taniman kung saan nakumpiska at winasak ang 4,400 halamang marijuana na may tinatayang halagang ₱880,000.

Sinundan ito ng panibagong operasyon sa ilalim ng OPLAN GREEN GOLD 2.0 kung saan nadiskubre at winasak pa ang dalawang karagdagang taniman na naglalaman ng 12,000 halamang marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱2.4 milyon.
Bagama’t walang naarestong cultivator sa mga isinagawang operasyon, maayos na naidokumento, nasuri, at winasak sa lugar ang lahat ng nakumpiskang marijuana. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments