Tuesday, June 16, 2026

SP Cayetano, nagbabala sa posibleng pagbali sa rules ng impeachment trial

Nababahala si Senate President Alan Peter Cayetano na posibleng mabali ang mga patakaran o rules sa nalalapit na impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng aniya’y paiba-ibang voting standards ng bloc ni Senador Sherwin Gatchalian.

Partikular ang aniya’y pagkumpirma ni Gatchalian sa isang Facebook post na 16 na boto ang kailangan para ma-convict ang pangalawang pangulo.

Sinabi ni Cayetano na taliwas ito sa paliwanag ng Gatchalian bloc hinggil sa 12 boto na naghalal sa kanya bilang Senate President Pro Tempore.

Kung ibabase aniya kasi sa fixed na komposisyon ng Senado gaya na rin ng binanggit ni Gatchalian, ang katumbas ng majority vote ay 13, at hindi 12.

Iginiit din ni Cayetano na karapatan ng taongbayan na magkaroon ng patas na impeachment trial na naaayon sa Konstitusyon at Senate Rules, at hindi dapat binabago ang rules para makamit ang gustong resulta.

Facebook Comments