Thursday, November 5, 2026

Kamara, sa kaukaulang mga ahensya na makakarating sa mga magsasaka at mangingisda ang P6.2 billion na tulong sa kanila sa gitna ng El Niño

Pinapatiyak ng House of Representatives sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na maihahatid ng mabilis ang P6.2 billion na halaga ng tulong sa sektor ng agrikultura, lalo na sa mahigit 310,000 mga magsasaka at mangingisda na labis na apektado ng Super El Niño.

Inihayag ito ni Quezon Representative Mark Enverga sa pagdinig ng pinamumunuan niyang House Committee on Agriculture and Food alinsunod sa utos ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Layunin ng pagdinig na matiyak na ang pera ng bayan ay magagamit ng tama at siguradong makakaabot sa mga komunidad na labis na apektado ng matinding tagtuyot.

Sa pagdinig ay inilatag ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang at planong pagtugon sa El Niño na nilaanan ng P61.99 Billion na pondo sa ilalim ng 2026 budget at dagdag na P10-billion sa ilalim ng panukalang 2027 budget.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Operations U-Nichols Manalo, kasama sa nabanggit na pondo ang P6.2 billion na nai-release na sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program.

Diin ni Manalo, titiyakin ng kanilang mga aksyon ang pagpapanatili ng sapat na produksyon ng pagkain para sa buong bansa, proteksyon sa kita ng mga magsasaka at mangingisda at pagsisikap na maging abot-kaya ang presyo ng pagkain.

Facebook Comments