
Naniniwala si Naga City Mayor Leni Robredo na walang kinikilingan sa pulitika ang pamamahagi ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
Sa panayam sa Malacanang, sinabi ni Robredo na patunay rito ang pagdalo ng mga lokal na opisyal mula sa iba’t ibang partidong politikal sa seremonya ng pamamahagi ng pondo sa Malacañang.
Ayon sa alkalde, malaking tulong sa Naga City ang pondong ibinigay ng national government sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.
Facebook Comments










