Thursday, November 5, 2026

DSWD, nanawagan sa publiko na huwag nang mag-post o mag-share ng anumang larawan o impormasyon ng menor de edad na sangkot sa pagpaslang sa kaniyang ina sa Panglao, Bohol

Muling ipinaalala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga social media users, content creators, at media practitioners, na tigilan na ang pagpo-post o pagpapakalat ng mga larawan, video, at iba pang impormasyon sa social media, kaugnay ng children in conflict with the law o CICL.

Kasunod ito ng mga post sa social media, kaugnay ng patuloy na imbestigasyon, sa 15-anyos na binatilyong kinasuhan matapos umanong paslangin at itago ang katawan ng kanyang ina l, sa isang septic tank sa Panglao, Bohol.

Binigyang diin ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao noong Miyerkules, November 4, na ang pagpo-post o pagsi-share online ng mga impormasyon ng CICL, ay posibleng makaapekto sa patuloy na imbestigasyon, maging ang kaligtasan at privacy ng pamilya nito.

Dagdag pa rito, hindi rin umano dapat maharap ang mga menor de edad na nasasangkot sa krimen sa kahihiyan, online harassment, o premature judgment.

Facebook Comments