90 katao, nabiktima ng pekeng online paluwagan – dalawang suspek, timbog!

Manila, Philippines – Aabot na sa 90 ang nabibiktima ng magkaibigang dalawang tao na nanggugulang ng pera online.

Kwento ng isang biktima, nawalan siya ng higit 100,000 pesos matapos mabiktima ng pekeng online paluwagan.

Ayon sa biktima, naengganyo siya sa matamis na pangako ng mga suspek na kada isang libong piso ay babalik ng 1400 kada hulog.


Sa ikinasang entrapment operation, nahuli ang mga suspek na sina Arjay Reyes at Michelle Leangao.

Ayon kay Manila PNP, Chief Insp. Rosalino Ibay, ginagamit ng mga suspek ang pekeng Facebook account at group sa kanilang pekeng paluwagan.

Dagdag pa ni Ibay – ginagamit din ng mga suspek sa pagsusugal ang pera.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong estafa.



Facebook Comments