
Ipagpapatuloy ng grupong PISTON ang kanilang tigil-pasada at mga kilos-protesta bukas.
Ayon kay PISTON National President Ka Mody Floranda, tanghali bukas magsasama-sama sila sa Welcome Rotonda bago magmartsa patungong Mendiola para magkasa ng rally.
Ito ay upang ipaabot aniya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang kanilang mga panawagan kabilang na ang pagpapababa ng presyo ng petrolyo.
Inilarawan naman ni Ka Mody ang pisong taas-singil sa pamasahe bilang bahagi ng tagumpay ng mga nasa sektor ng transportasyon matapos maging epektibo simula kahapon ang fare hike.
Facebook Comments










