
Kinumpirma ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., na naging security detail ni dating House Speaker Lord Allan Velasco ang dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.
Nabatid na si Gracioso ang nagbunyag na naghatid umano ito ng ng male-maletang pera kay Vice President Sara Duterte, former President Rodrigo Duterte, at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.
Ayon kay Nartatez, dati nang may kasong administratibo at kriminal si Gracioso habang nakapwesto pa ito sa Police Regional Office 4A .
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng NBI ang mga rebelasyon ni Gracioso na naghain na rin ng kanyang affidavit at nagpakita ng kanyang ebidensya .
Facebook Comments










