Friday, May 22, 2026

Abogadong nanghihikayat ng isang rebolusyon sa isang kilos-protesta, sinampahan ng CICC reklamong sedition sa NBI

Pormal na naghain ng reklamo ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa National Bureau of Investigation o NBI laban kay Atty. Harold Respicio.

Nag-ugat ang reklamo sa mga naging pahayag ni Respicio noong magkaroon ng kilos-protesta at nanghihikayat ito ng rebolusyon.

Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, ang kalayaan sa pamamahayag ay may hangganan at dapat itong malaman ng kahit sino man.

Lalo na aniya ng kagaya ni Respicio na isang abogado.

Sinabi ni Matibag na papasok ito sa kasong inciting to sedition, rebellion at Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances.

Samantala, kinumpirma naman ni CICC Acting Executive Director Usec. Aboy Paraiso sa pagtatanong ng DZXL RMN Manila na sasampahan nila ng disbarment case si Respicio.

Aniya, may nadisbar ng abogado dahil sa kahalintulad na kaso.

Facebook Comments