
Kinumpirma ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na pinakilos na ang kanilang mga tracker team.
Ayon kay Nartatez, gumagalaw na ang tracker team ng PNP sa koordinasyon sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) para matunton at maihain ang warrant of arrest laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Tiniyak naman ng PNP sa publiko na anumang operasyong may kaugnayan sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa nasabing senador ay isasagawa alinsunod sa mahigpit na operational procedures at may buong paggalang sa karapatang pantao.
Kaugnay nito, inatasan na rin ni Nartatez ang lahat ng kinauukulang unit na pairalin ang maximum tolerance at propesyonalismo sa bawat yugto ng operasyon.
Facebook Comments










