
Itinakda na ang pagco-convene ng Senado bilang Impeachment Court sa sesyon mamayang alas tres ng hapon.
Sa liham na ipinadala ni Senate President Alan Peter Cayetano, ay inabisuhan niya ang mga senador na maging present ngayong araw sa plenaryo.
Bilang pag-obserba sa pagiging sagrado ng paglilitis at salig sa Senate Rules of Procedure on Impeachment Trials, ang lahat ng mga senator judges ay kailangang magsuot ng kanilang robes para sa pagco-convene ng impeachment court.
Nakasaad pa na ang presensya at kooperasyon ng mga senador ay mahalaga para sa maayos na pagsasagawa ng pagdinig.
Matatandaang sa kasagsagan ng shooting incident sa Senado ay siya namang pagdating ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Facebook Comments










