Tuesday, May 19, 2026

PNP, pinaigting ang Cyber Patrol Operations dahil sa mga online post na umano’y nanawagan ng karahasan matapos ang senate shooting incident

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang cyberpatrol operations nito dahil sa mga post sa social media na umano’y nanghihikayat ng karahasan matapos ang nangyaring kaguluhan sa Senado.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., tinitingnan nila bilang isang seryosong usapin ang mga nasabing banta at panawagan ng karahasan sa social media at tiniyak na mananagot ang nasa likod ng mga iresponsableng mga posts na ito kung saan pwede silang maharap sa kasong kriminal.

Nabatid na nauna nang ibinunyag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroong hindi bababa sa limang persons of interest na natukoy para gawin ang nasabing mga pagpapakalat ng maling impormasyon at panghihikayat.

Dahil dito, ayon kay Nartatez, nakikipagtulungan na ang PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) sa DICT para itrack down, at para panagutin ang mga nasabing digital threat actors.

Iniutos din ng PNP Chief sa mga regional at local police units na paigtingin ang pagbabantay sa paligid ng mga institusyon ng gobyerno at mga lugar kung saan inaasahang magkakaroon ng mga pampublikong pagtitipon.

Kasabay ito ng pagtitiyak na iginagalang ng PNP ang kalayaan sa pamamahayag ng publiko.

Facebook Comments