
313 na repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakatanggap ng psychosocial at welfare support.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ito ay sa pamamagitan ng Post-Repatriation Orientation Seminars matapos ang kanilang naging karanasan sa giyera sa Middle East.
Tiniyak naman ng DMW na patuloy nilang hinahanapan ng trabaho ang OFWs na nawalan ng trabaho sa Gitnang Silangan.
Sa katunayan anila, mahigit 3,000 nang OFWs ang nabigyan ng trabaho sa inilunsad na job fair ng
DMW.
Bukod pa ito sa programa ng ilang ahensya ng gobyerno para sa pagbangon ng mga umuwing Pinoy workers.
Facebook Comments










