
Hindi isinasara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na magkaroon muli ng pagbabago sa kanyang gabinete ngayong tapos na ang isang taong appointment ban sa mga kumandidato pero hindi pinalad noong nakaraang eleksyon.
Ayon sa pangulo, kailangan ng bansa ang mahuhusay na tao at marami aniya sa mga dating kandidato ang may kakayahang makatulong sa pamahalaan.
Posible aniyang magkaroon ng mga bagong appointment sa mga susunod na araw mula sa hanay ng mga dating kandidato dahil sayang naman aniya kung hindi magagamit ang kanilang kakayahan sa serbisyo publiko.
Huling nagkaroon ng pagbabago sa gabinete matapos italaga si dating Senador Francis Tolentino bilang bagong kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) kapalit ni Bienvenido Laguesma na nagbitiw dahil sa usaping pangkalusugan.
Kasabay nito, pinabulaanan din ng pangulo ang mga espekulasyong papalitan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at nilinaw na wala siyang planong alisin ito sa pwesto.










