Active cases ng COVID-19 sa PNP, umabot na sa mahigit 4,000

63

May 4,015 nang active cases ng COVID-19 na naitatala sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng banta ng Omicron variant.

Sa datos ng PNP Health Service, ngayong Lunes, January 17, 2022, nakapagtala ng 310 new cases at 277 new recoveries ng Coronavirus.

Sa kabuuan, umabot na sa 45,782 ang mga dinapuan ng virus, kung saan 41,642 ang mga gumaling at 125 ang mga binawian ng buhay.


Una nang inihayag ng PNP na higit 100% ng bed capacity ng kanilang isolation facilities sa Camp Crame ang okupado ngayon.

Facebook Comments