Tuesday, June 23, 2026

Lider at miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Bukidnon; 3 matataas na klase ng armas, nakuha

Patay ang isang high-ranking lider at isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon ng mga operatiba sa ilalim ng 4th Infantry (Diamond) Division ng Philippine Army sa dalawang lugar sa Bukidnon.

Unang nahuli ang myembro ng NPA na kinilalang si Edward Pantandon alyas Wando na nasawi sa engkwentro ng mga natitirang mga NPA kung saan nakuha sa kanya ang isang M16 rifle.

Samantala, sa kaparehong araw, muling nakaengkwentro ng mga sundalo ang mga nasabing kaparehong NPA na nagresulta sa pagkasawi naman ni Romeo Manpinsahan alyas Kakoy, ang Commanding Officer ng Headquarters Force NEO sa ilalim ng North Central Mindanao Regional Committee o NCMRC.

Nakuha naman sa kanya ang 2 high-powered na mga armas na may magasin, ammunitions at isang backpack.

Ang nasabing operasyon ay suportado ng mga tropa mula sa 88th Infantry Battalion, 26th Infantry Battalion, 41st at 42nd Division Reconnaisance Companies, artillery assets mula sa 4th at 7th Field Artillery Battalions at intelligence support mula sa 4ID intel units.

Facebook Comments