Thursday, June 25, 2026

Paghahanda para sa 2027 budget, sinimulan na ng Malacañang

Hinihigpitan ng Malacañang ang pagbabantay sa paggamit ng pondo ng bawat kagawaran habang pinabibilis na rin ang paghahanda ng budget para sa 2027.

Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang pagpupulong ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaan upang suriin ang paggamit at pagpapatupad ng kanilang pondo ngayong taon.

Ayon kay Recto, direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang regular na pagrerepaso sa paggastos ng gobyerno, agarang pagresolba sa mga naantalang programa, at pagtiyak na bawat pisong pondo ng bayan ay nagagamit nang tama.

Binigyang-diin din ni Recto ang pangangailangang mapabilis ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa ikalawang kalahati ng 2026, kasabay ng pagsisimula ng pagbuo ng pambansang budget para sa 2027.

Tinalakay rin sa pulong ang progreso ng mga programa sa ilalim ng UPLIFT, kung saan iginiit ng pamahalaan ang pagbibigay-prayoridad sa mga programang agad na makatutulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Facebook Comments