
Nakikita ng Philippine Embassy sa Russia ang malaking potensiyal na madagdagan ang bilang ng mga turistang Ruso na bumibisita sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen, marami sa mga Russian ang interesado na makapunta sa bansa, lalo na sa mga kilalang destinasyon tulad ng Boracay at Palawan.
Sinabi ni Bailen na hinihintay na lamang ang ilang development mula sa Civil Aeronautics Board (CAB) kaugnay ng planong direct flights mula sa tatlong lungsod sa Siberia patungong Manila at Cebu.
May nakabinbin na ring aplikasyon ang S7 Siberian Airlines para sa mga naturang ruta.
Kapag naaprubahan, inaasahang mas magiging madali ang paglalakbay ng mga Russian tourist patungo sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, mayroon nang chartered direct flights mula Irkutsk at Khabarovsk sa Siberia patungong Kalibo, Aklan. Gayunman, hindi pa ito regular na commercial flights.










