
Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahanda silang tumugon sa anumang insedente na maaaring idulot na pagbagsak ng debris mula sa Chinese rocket.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, handa ang Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force upang umaksyon sa anumang pangangailangan o emergency.
Bukod dito, inabisuhan na rin ang field units ng AFP hinggil sa mga dapat gawin sakaling may bumagsak na debris na maaaring magdulot ng pinsala o panganib sa seguridad ng mga residente.
Nauna nang inilagay sa high alert ng Office of Civil Defense (OCD) ang Palawan at Basilan dahil sa posibilidad ng pagbagsak ng debris mula sa isang Chinese rocket.
Facebook Comments