Isasagawa sa Mayo 14, 2026 ang Technical Advisory Visit (TAV) Orientation at Free Safety Officer 1 (SO1) Training na naglalayong ihanda ang mga kalahok sa tamang implementasyon ng occupational safety sa kani-kanilang mga establisyemento.
Sa ilalim ng programa, maaaring maging certified Safety Officer 1 ang mga dadalo, isang requirement na may kaugnayan sa pagpapatupad ng ligtas na kondisyon sa trabaho at pagsunod sa umiiral na labor regulations.
Ayon sa mga otoridad, bukas ang training sa mga kwalipikadong micro-business establishments sa Lingayen, at inaasahang makatutulong ito sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas paggawa sa antas ng maliliit na negosyo.
Layunin ng programa na itaas ang kaalaman ng mga employer sa labor standards at workplace safety, kasabay ng pagpapalakas ng compliance sa mga umiiral na regulasyon sa paggawa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







