Friday, May 8, 2026

PANUKALANG 800-MW HYDROPOWER PROJECT SA SAN NICOLAS, MASUSING PINAG-AARALAN

Masusing pagsusuri at karagdagang konsultasyon ang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas kaugnay ng panukalang 800-megawatt San Roque West Pumped Storage Hydroelectric Power Project upang matukoy ang posibleng epekto at benepisyo ng proyekto sa mga residente at host communities.

Binigyang-diin ng mga kinauukulan ang kahalagahan ng masusing pag-aaral at due diligence bago maglabas ng anumang pinal na desisyon upang matiyak na mapapangalagaan ang kapakanan at interes ng publiko.

Sa presentasyon ng proyekto, ipinaliwanag na layunin nitong makatulong sa pagpapalakas ng energy security, grid stability, at energy storage bilang suporta sa pambansang programa sa enerhiya.

Ibinahagi rin ang mga posibleng benepisyo sa komunidad kabilang ang oportunidad sa karagdagang trabaho, kabuhayan, inisyatibo sa pagpapatatag ng kuryente at mga programang pangkalikasan.

Patuloy naman ang isasagawang konsultasyon at pagsusuri habang pinag-aaralan ang kabuuang epekto ng proyekto sa bayan at maging sa Luzon power grid. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments