Aktibong kaso ng COVID-19, bahagyang tumaas; DOH, nakapagtala ng 2,409 na bagong kaso ng sakit kahapon

Bahagyang tumaas sa 27,129 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon, mas mataas sa naitalang 26,380 active cases nitong Huwebes.

Sa kabila ito ng naitalang 2,409 na bagong kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH), mas mababa sa naitalang 2,562 new cases noong October 6.

Bunsod nito, sumampa na sa 3,963,666 ang tinamaan ng virus sa bansa habang nasa 3,873,346 na ang gumaling.


Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng 42 na bagong nasawi sa sakit dahilan para umakyat na sa 63,191 ang COVID-19 death toll sa bansa.

Facebook Comments