Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, tumataas

52

Umabot na sa 47 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pambansang Pulisya mula sa 41 noong mga nakalipas na araw.

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 14 na reinfection ngayong araw.

 

Sa kabuuan, umabot na sa 48,958 ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng COVID-19, kung saan 48,782 ang naka-rekober at 129 ang nasawi.


Samantala, nasa 99.73 porsyento ng pwersa ng PNP ang fully vaccinated, kung saan 98.83% dito ang nabigyan narin ng booster shot.

Facebook Comments